Basilan judge itinumba ng riding-in-tandem sa Zamboanga

Basilan judge itinumba ng riding-in-tandem sa Zamboanga

HINDI na umabot sa ospital ang isang hukom matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem killers sa Zamboanga City kaninang madaling araw.

Base sa paunang ulat ng pulisya, minamaneho ni Judge Wee, ng Isabela City Regional Trial Court Branch 2 at residente ng Barangay Tumaga, Zamboanga City, ang kanyang sports utility vehicle (SUV) sa Tumaga-Putik Road ala-5:50 nang siya ay tambangan.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima bunga ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Narekober sa lugar ng insidente ang mga basyo mula sa kalibre .45 na baril.

Inanunsyo ng pulisya ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG) para sa agarang ikakaresolba ng kaso.

Kinondena ni Basilan Gov. Mujiv Hataman ang pagpatay sa hukom.

The post Basilan judge itinumba ng riding-in-tandem sa Zamboanga appeared first on Bandera.

Source link