Winwyn Marquez iniyakan si Big Brother, miss na miss na si Luna

Winwyn Marquez iniyakan si Big Brother, miss na miss na si Luna

Winwyn Marquez at Luna

NAGING emosyonal ang Kapuso actress at beauty queen na si Winwyn Marquez sa loob ng Bahay ni Kuya dahil miss na miss na niya ang anak na si Luna.

Sa pagpapatuloy ng “Pinoy Big Brother: Collab 3.0”, nagpakatotoo ang celebrity mom sa nararamdamang pangungulila sa kanyang 3-year-old daughter.

Inamin ni Winwyn na feeling guilty siya na hindi niya nakakasama si Luna ngayong Christmas season.

Sa Tuesday’s episode ng iconic reality show, ipinakita ang paghahanda ng mga housemates sa Kapaskuhan, kabilang na ang pagde-decorate ng Christmas Tree.

“Yung anak ko po, three years straight, kahit baby siya, I make sure na kasama ko po siya mag-ayos ng Christmas tree. 

“Siya po ang maglalagay ng star sa tree. I kinda feel selfish being here. Wala pong grand kami sa mga Christmas. I just want everybody complete. 

“‘Yun po ang spirit ng Christmas kapag kumpleto ang pamilya,” ang pahayag ni Winwyn kay Big Brother sa loob ng confession room.

Baka Bet Mo: Boy Tapang bibigyan ng 100K votes si Primo para iligtas sa PBB eviction

Pagpapatuloy pa niya, “Kuya, mahigit two weeks na po hindi ko nakikita ‘yung anak ko, kaya nagdadasal ako at ini-imagine ko siya sa gabi. Ayaw ko makalimutan ako ng anak ko sa labas.”

At para maibsan ang sobrang pagka-miss ng aktres sa kanyang anak, hinayaan ng mga kapwa niya housemates na siya ang maglagay ng star sa tuktok ng kanilang Christmas tree.

The post Winwyn Marquez iniyakan si Big Brother, miss na miss na si Luna appeared first on Bandera.

Source link