AMINADO ang magkaibigang Kapamilya stars na sina Darren Espanto at Kyle Echarri na madalas silang magkapikunan kapag magkasama.
Nagpakatotoo ang dalawang actor-singer patungkol sa kanilang friendship na tumatagal na rin nang ilang taon.
In fairness, malalim na raw ang kanilang pagkakaibigan on and off camera at tulad ng mga ordinary friendship, nagkakaroon din sila ng problema at isyu sa personal life.
Sa guesting nila sa “Gandang Gabi Vice” nagkuwento sina Darren at Kyle kung gaano sila ka-close sa totoong buhay at kung bakit madalas silang magkapikunan.
Sey ni Kyle, “Seryoso namang pikunan ‘to.”
Na sinang-ayunan ni Darren, “Ang lagi, kunyari, sabi nila dati, dapat mag-tour kaming magkasama.
“Sabi ko, ‘Feeling ko po, one show pa lang, wala na.’ Ika-cancel na ‘yong rest of the dates, kasi kapag nagsama kami sa tour, ewan ko ba’t sa ibang bansa lagi kaming nagkakapikunan,” hirit ni Darren.
Baka Bet Mo: Ina ni Kyle Echarri shookt sa basher na nagpa-deliver ng 20 food order pero COD
Pag-amin pa ng “It’s Showtime” host, nagkaasaran sila noon sa loob ng dressing room dahil sa mga “side comments” ni Kyle tungkol sa kanyang OOTD.
“Ikaw pa talaga namomroblema sa side comments,” bwelta naman ni Kyle sa kanya.
“Ako talaga, at kawawa ako kay Kyle,” hirit uli ni Darren.
Gustung-gusto naman daw ni Kyle kay Darren ang pagiging honest at generous nito. Pero kung may isang ugali daw ang kaibigan na kinaiinisan niya ay ang pagiging alaskador nito.
“At alam niya, ginagawa niya on purpose,” natawang chika ni Kyle.
Samantala, naibahagi rin ni Darren ang pag-iyak niya kay Kyle dahil sa naging problema niya sa pamilya.
“Like Kyle, umiyak siya sa akin because of a relationship. Ako naman umiyak sa kanya because of my parents.
“My parents and I fought. ‘Yung parang nag-away kami ng magulang ko. So ‘yun, takbuhan ko sila,” sey ni Darren.
Nagsimula ang showbiz career nina Darren at Kyle Echarri nang mag-join sila sa “The Voice Kids.”
The post Darren Espanto ibinuking si Kyle: Umiyak siya sa akin because of a relationship appeared first on Bandera.
