HUMINGI ng tawad ang isa sa mga miyembro ng Nation’s girl group na si BINI Mikha Lim matapos ang ginawa niyang paggamit ng cellphone habang nagda-drive.
Matatandaang naging sentro ng usapan ang dalaga matapos ang pagkondena ng netizens sa kanyang pagla-livestream habang nagmamaneho.
Sa kanyang inilabas na statement ay inihayag ni BINI Mikha ang labis na pagsisisi sa kanyang ginawa.
Bukod pa rito, inaako rin niya ang responsibilidad sa pangyayari at handa aiyant harapin ang consequences ng kanyang ginawa.
Baka Bet Mo: BINI Mikha pinatawag ng LTO, lisensya suspendido
View this post on Instagram
“I want to sincerely apologize for my actions. There is absolutely no excuse for using my phone while behind the wheel. It was careless and irresponsible,” saad ni Mikha.
Pagpapatuloy niya, “I take full accountability for what happened. I have already reported to the LTO and am going through due process to face the proper penalties for my violation.”
Nitong Miyerkules, November 11, pumunta si Mikha sa opisina ni LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao matapos siyang maisyuhan ng ahensya ng show cause order at masuspende ang kanyang lisensya dahil sa pangyayari.
Ayon kay Lacanilao, nagtungo si Lim sa LTO bago pa ang nakatakda niyang pagharap sa Nobyembre 20, na inilarawan niya bilang pagpapakita ng good faith.
Inaasahang ilalabas ng LTO ang resolusyon nito kaugnay ng paglabag ni Mikha sa loob ng isang linggo.
Sinabi ni Lacanilao na kinilala ng BINI member ang kaniyang pagkakamali sa kanilang pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng ahensya.
Sa kaniyang pahayag, inilarawan ni Mikha ang insidente bilang isang wake-up call at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsunod sa mga patakaran sa kaligtasan sa kalsada.
“This has been a big lesson for me to be much more mindful, disciplined, and responsible moving forward. Road safety rules exist to protect everyone, and something we need to take seriously.
“I promise to learn from this and do better,” pangako ni Mikha.
The post BINI Mikha nagsisi sa ginawang pagkakamali: I promise to do better appeared first on Bandera.
