6cyclemind pinasaya ang fans sa bonggang 25th anniversary concert! 

6cyclemind pinasaya ang fans sa bonggang 25th anniversary concert! 

PHOTO: Courtesy of 6cyclemind

Mahigit dalawag dekada na, pero parang walang kupas ang energy ng 6cyclemind!

Present ang BANDERA sa 25th anniversary celebration ng banda, mula sa kanilang press conference hanggang sa bonggang concert na nagsilbing reunion at pasasalamat ng banda para sa kanilang mga tagahanga.

Ipinagdiwang ng 6cyclemind ang kanilang silver anniversary sa pamamagitan ng isang espesyal na homecoming concert sa Eton Centris Activity Center sa Quezon City noong Sabado, September 12.

Pagbukas pa lang ng concert, agad nang nagpakawala ng good vibes ang banda sa pamamagitan ng “Magsasaya.” 

Baka Bet Mo: Tutti Caringal ng 6Cyclemind pinuna matapos kumandong sa babae habang nasa campaign rally

Siyempre, hindi nagpahuli ang audience at mabilis na nakisabay sa kantahan.

Sinundan ito ng iba pang paboritong 6cyclemind hits gaya ng “Paba,” “Biglaan,” “Prinsesa,” “Pangako,” “Basta Ako,” at “No Rewind.”

Talagang balik-throwback ang eksena habang sabay-sabay na kinakanta ng fans ang mga awiting tila kabisado pa rin kahit ilang taon na ang lumipas.

<iframe src=" width="500" height="671" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Pero hindi lang nostalgia ang puhunan ng 25th anniversary concert dahil sinamahan din ito ng mga espesyal na collaboration na nagpakitang patuloy na nakakatawid ang musika ng 6cyclemind sa iba’t ibang henerasyon.

Naki-jam si Rye Sarmiento para sa “Gaya Ng Noon,” habang nakipagkantahan naman si Bino ng Sunkissed Lola sa “I” at sa massive streaming hit na “Pasilyo.”

Lalong umingay ang venue nang umakyat sa entablado si Jet Pangan ng The Dawn para sa “Upside Down” at “Iisang Bangka Tayo.”

Hindi rin nagpahuli si pop superstar Gigi De Lana na nakisaya sa banda para sa “Bonggahan” at “Sige.”

Mas naging espesyal ang “Sige” dahil may surprise guest na si Chuck Isidro, dating miyembro ng 6cyclemind at producer ng kanilang paparating na album.

At dahil hindi lang puro balik-tanaw ang handog ng banda, binigyan din nila ng silip ang fans sa kanilang mga bagong awitin.

Kabilang sa mga bagong kantang ipinarinig nila mula sa kanilang upcoming album na nakatakdang ilabas ngayong taon ang “Hithit Buga,” “Di Na Babalik,” “Nagbago,” at “Huling Pagkakataon.”

Syempre, hindi rin mawawala ang mga kantang naging paborito ng maraming Pinoy gaya ng “Kung Wala Na Nga,” “Alapaap,” “Kasalanan,” “Trip,” at “Sandalan.”

<iframe src=" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

At kahit umulan sa venue, hindi iyon naging dahilan para tuluyang matapos ang saya.

Sa halip na magsiuwian, nanatili ang mga concertgoer para makikanta, sumayaw, at makisaya sa anniversary celebration. 

Sa halip na maging spoiler, naging dagdag-memorable moment pa ang ulan sa gabing puno ng musika at nostalgia.

Hindi rin pinabayaan ng 6cyclemind na maging bahagi mismo ng selebrasyon ang kanilang fans.

Ang unang 100 attendees ay nakatanggap ng exclusive 6cyclemind anniversary shirts at nagkaroon ng pagkakataong makipag-meet-and-greet sa banda.

May videoke contest din kung saan pwedeng ibandera ng fans ang kanilang sariling bersyon ng mga paboritong OPM songs. A

ng highest scorer ay nag-uwi naman ng cash prize.

Nagpasalamat ang banda sa kanilang management, fans, at brands na patuloy na sumusuporta sa kanila sa iba’t ibang yugto ng kanilang career.

“We are very thankful sa lahat na nandyan pa rin para sa amin: from our management, fans, and brands that continue to support us. Andito na kami sa age na we are enjoying the fruits of our labor,” saying banda.

Anila, “We are lucky and grateful na, sa dami ng nangyari sa banda, natawid namin lahat ng ’to.”

At kahit 25 taon na sila sa industriya, mukhang hindi pa rin nawawala ang excitement sa paggawa at pag-promote ng bagong musika.

“The excitement is always there…Para pa din kaming bago na nag-promote ng kanta namin to a new audience,” wika ni manager at 6th member ng banda na si Darwin Hernandez.

The post 6cyclemind pinasaya ang fans sa bonggang 25th anniversary concert!  appeared first on Bandera.

Source link