Naniniwala ang DJ at Kikirot-Kirot actress na si Skye Gonzaga na hindi magkakaroon ng bayolenteng reaksiyon ang kanyang pahayag na “mas wild” ang mga kaibigan niyang babae sa Cebu kesa sa VMX sexy stars.
Walang pag-aalinlangang sinabi ni Skye na napagtanto nitong higit na “wild” ang kanyang Cebuana friends nang makilala at makatrabaho niya sa pelikula ang VMX girls.
Saad niya: “Ang akala ko, yung [VMX] girls they have this lakas ng loob kasi lahat sila parang napagdaanan ang ganito ka-wild na mga eksena. It turns out na hindi pala sila ganoon ka-wild.
“Mas madami pa akong wild friends sa Cebu.
“I was just shocked na hindi pala talaga ganito yung character nila. Super wild yung friends ko sa Cebu.
“I thought na mae-encounter ko sa mga kasamahan ko sa VMX, pero they’re really good.
“Hindi sila partygoers, they don’t drink. Most of them are single and not ready to mingle.”
Ito raw ay base sa kanyang mga nasaksihan at personal na karanasan noong DJ pa siya sa Cebu.
Lahad ni Skye: “Mas wild ang mga tao sa Cebu kasi nasa bar ako palagi.
“I’m the DJ so nakikita ko talaga kung ano ang mga ginagawa nila, like how the girls move. Kung paano sila gumalaw, kung paano sila dumiskarte.
“So, akala ko may iwa-wild pa yung dito sa industry [VMX] namin.
“Akala ko mas wild, but it turns out, mas malala pala doon.
“It’s not about the place, but I think it’s about the people na nasa ilalim pala yung kulo.”
May sagot si Skye nang itanong ng Cabinet Files na hindi kaya magalit ang kanyang mga kababayan sa Cebu sa mga sinabi niya.
“Hindi naman kasi parang proud naman sila,” sagot niya.
Read: Why Kathryn Bernardo may not confirm relationship with Mark Alcala yet
Skye Gonzaga on Her Late Ex Who Inspired Her DJ Career
Ibinahagi rin ni Skye na ang pumanaw niyang ex-boyfriend ang nagturo sa kanya ng pagdi-DJ.
Lahad niya: “My ex was a DJ po and four years kami together. Tinuruan niya po ako.
“Before kasi nagmo-model lang ako and I joined pageants, Binibining Camotes po.
“And I tried to join Binibining Cebu pero hindi puwede sa age ko. I was 17 that time.
“Sabi ng ex ko, ‘Why not try the DJ thing?’ Kasi medyo the TF is kinda high. I was very interested din kasi mahilig ako sa music.”
Nabahiran ng kalungkutan ang boses ni Skye nang mapag-usapan ang kanyang ex-boyfriend na pumanaw dahil sa cardiac arrest, sa edad na 37, noong Marso 19, 2025.
“We broke up when I signed with Viva,” sabi niya.
“Hindi ko alam kung magiging proud siya sa akin dahil he died na.
“Isa po siya sa mga pinakamasakit na nangyari for me kasi wala kaming closure.
“Birthday niya nang mag-break kami noong May 27, two years ago.
“Wala kaming closure kasi nasa Cebu siya that time. I have to move to Manila.
NOOD KA MUNA!
“Gusto niyang makipag-usap. But then, wala nang chance, malayo ako.”
Pagpapatuloy niya: “Ako po ang nakipaghiwalay kasi nag-cheat siya.
“Super guilty po ako nung malaman ko na namatay siya. I had to go back to Cebu.
“I had this feeling na sana kinausap ko siya. Sana nagkaroon kami ng closure.
“Hindi ko naman kasi alam na mangyayari yon.”
Inamin ni Skye na siya ang pinakamalakas ang iyak nang puntahan niya ang burol ng kanyang ex-boyfriend.
Nagpapasalamat si Skye sa namatay na ex-boyfriend dahil ito ang nagturo sa kanya para maging DJ na napapakinabangan niya hanggang ngayon.
“Super thankful ako dahil kahit sobrang daming kirot na ibinigay niya sa akin, sa buhay ko, may naibigay pa siya—yung pagiging DJ ko.
“Naka-move na po ako pero there were days na napapanaginipan ko siya. Of course, I had to move on, wala na akong magagawa, wala na siya.”
Importante bang magkaroon ng closure ang bawat relasyon?
Sagot ni Skye: ”Hindi naman sa lahat ng panahon kailangan ng closure.
“Kasi minsan, yung isa, gustong makipaghiwalay, yung isa ayaw. Ganoon ang nangyari sa amin.
“Hindi niya matanggap na kailangan ko nang makipaghiwalay sa kanya so that’s why ayoko ng closure.
“Alam ko na magbabalikan na lang. I have no choice dahil maaawa ako sa kanya so hindi lahat ng breakup, kailangan ng closure.
“Siguro nagsisisi lang ako dahil namatay siya. I have to heal from all the trauma, lahat ng kirot na na-experience ko.
“Kasi hindi lang naman yung pagkamatay niya ang nangyari so I have to heal first before I enter a new relationship.”
Read: Caritas Philippines addresses takedown of YSpeak 2.0 episode with Christian Esguerra
