Blog

  • Alex Eala sinagot reporter na nagtanong kung ‘tired’ siya: Is that your impression?

    Alex Eala sinagot reporter na nagtanong kung ‘tired’ siya: Is that your impression?

    IDINAAN pa rin ng tennis superstar na si Alex Eala sa pagiging witty ang sagot niya sa reporter na nag-usisa at nagsabing tila pagod siya habang naglalaro kontra sa world No. 85 na si Tereza Valentová sa 2026 Hong Kong Tennis Open.

    Nagtala ng 6-4, 7-6 (7) na panalo ang Filipina tennis star laban sa Czech player sa Victoria Park, dahilan upang makapasok siya sa quarterfinals ng torneo.

    Matapos ang laban, humarap si Alex sa mga mamamahayag noong Nobyembre 5, kung saan tinanong siya tungkol sa kanyang pisikal na kondisyon habang naglalaro.

    “You seem to be very tired during the game. Is that just our impression?” tanong ng isang reporter.

    Baka Bet Mo: Alex Eala gagawa uli ng kasaysayan sa ‘Game. Set. Celebrate.’

    View this post on Instagram

    A post shared by Bandera (@banderaphl)

    Ngumiti muna si Alex bago ibinalik sa reporter ang tanong at sinabing: “Is that your impression? You tell me, is that your impression?”

    Nang kumpirmahin ng reporter na iyon nga ang kanyang impresyon, sinagot siya ng dalaga.

    “Mukha rin po kayong pagod eh. Are you tired?” sey ni Alex na sinagot ng oo ng reporter.

    “Aw, you should rest. You should have some rest,” pahabol pang sabi ng tennis star.

    Ipinaliwanag din ni Alex kung bakit para sa kanya ay bahagi ng karanasan sa pakikipagkompetisyon sa mataas na antas ang pagkapagod.

    Binigyang-diin niya na ang pagiging pagod ay maaari ring maging isang “blessing.”

    “I think being tired, like I said in my last interview… is a blessing. Of course, when you face opponents like Tereza and opponents who are just as motivated and just as ganado, I guess is the word, as you to win, you’ll give everything that you have physically and mentally,” lahad ni Alex.

    Pagpapatuloy niya, “At the end of the day, I’m an athlete. So, I get tired, I recover, and then I go back and I do it again. I choose [it] and it’s a constant effort to do it again and again and again and again, no matter whether you’re tired or you feel like you can climb Mount Everest.”

    The post Alex Eala sinagot reporter na nagtanong kung ‘tired’ siya: Is that your impression? appeared first on Bandera.



    Source link

  • Underground e-sabong hub busted in Pandi, Bulacan

    Underground e-sabong hub busted in Pandi, Bulacan

    An underground e-sabong (online cockfighting) hub was busted in Pandi, Bulacan, where authorities confiscated around P10 million worth of equipment.

    Source link