Neil Ryan Sese calls gay boxer role in Kamao “very challenging”

Isang mapanghamong role ang ginagampanan ni Neil Ryan Sese sa upcoming Kapuso afternoon drama series na Kamao. Gaganap siya bilang boxer na itinatago ang totoo niyang pagkatao sa publiko—ang pagiging…

Neil Ryan Sese calls gay boxer role in Kamao “very challenging”

Isang mapanghamong role ang ginagampanan ni Neil Ryan Sese sa upcoming Kapuso afternoon drama series na Kamao.

Gaganap siya bilang boxer na itinatago ang totoo niyang pagkatao sa publiko—ang pagiging bakla.

Ayon kay Neil, “very challenging” ang role na ito para sa kanya. Lahad ng aktor: “Nung nabigay sa akin yung role na, to date, ito na yung pinaka-challenging na role na nabigay sa akin.

“At talagang nagpapasalamat ako sa GMA at ipinagkalabob sa akin ang napaka-challenging role na ito na kumikiliti sa aking kaluluwa bilang artista, di ba?

“Dahil isa siyang boksingero na kailangan kong ipakita yung tigas bilang isang boxer, pero bakla siya.

“So, kailangan maging sensitibo rin siya.

“So, yun yung pinag-uusapan namin ni Direk lagi.

“May collaboration kami na papano natin kukunin yung balanse na hindi siya mukhang caricature o kaya stereotype na bakla.”

Photo/s: Courtesy: Sparkle GMA Artists Center
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Police dismiss minor dating allegations against Kim Soo Hyun

NEIL RYAN SESE ON HOW TO HANDLE HIS ROLE

Napag-usapan daw nila ni Direk LA na Madridejos magkaiba ang atake ng kanyang role kapag ang kaharap niya ay ang katunggali sa boxing ring na gagampanan ni Wendell Ramos.

At iba naman kapag kaharap niya ang gumaganap na lover niya sa Kamao na si Ahron Villena.

Neil Ryan Sese, Wendell Ramos, and director LA Madridejos during Kamao‘s media conference.

Photo/s: Courtesy: GMA Network on Facebook
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Neil: “So, sinasabi na… napagdesisyunan namin na kapag may certain kaming kausap na character, halimbawa si Wendell, nagiging lalaki ako.

“Pero kapag yung lover ko yung kausap ko, doon ako nagiging malambot. So, yun yung dapat nating abangan.

“Tsaka, physically demanding nga siya bilang boxer siya, di ba?

“So, nakakapagod pala yung maging boksingero. Kaya, physically demanding yung role.

“At yun nga, di maiwasan may mga scenes kami ni Wendell nung boxing fight, nagkakatamaan talaga kami dahil mahirap i-estimate kasi yung gloves. Iba yung distance niya.

“So, buti na lang napakabait yung co-actor ko, di ba? Kasi kung iba siguro, baka nag-away na kami talaga.

“So, tinanggap na lang namin.

“Kasi nakita namin yung output nung eksena, sobra kaming naging masaya, kahit nakakapagod siya dahil maghapon kaming nagba-boxing doon sa scene na yun.

“Maraming-maraming salamat at maganda yung kinalabasan.

“Direk, thank you. GMA, salamat ulit at nabigay niyo sa akin yung role na to.”

CONTINUE READING BELOW ↓


NOOD KA MUNA!

Read: Derrick Monasterio admits losing hope in PH amid political issues

Mapapanood ang Kamao simula sa May 25, 3:20 ng hapon, sa GMA.

HOT STORIES