Ang madagdagan ang bilang ng mga paaralan sa Metro Manila na bibisitahin dahil gusto niyang makahalubilo ang maraming Pilipinong estudyante ang hiling ni Zhang Yinfei sa mga opisyal ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII).
Si Zhang ang bida sa Chinese vertical drama na The Heiress Who Won With Brains.
Pero popular siya sa mga Pilipino sa pangalang Linda Walker, ang karakter na ginampanan niya na may taglay na kakaibang uri ng katalinuhan at nakakuha ng 719 score sa isang mock exam.
Ang FFCCCII ang nag-imbita kay Zhang na dumalaw sa Pilipinas para isulong ang kahalagahan ng edukasyon sa pamamagitan ng kanilang proyektong “Linda Walker Visits The Philippines to Promote Education for a Better Future.”
Read: Chinese star Zhang Yingfei, aka Linda Walker, to visit Manila
Bukod sa pagdalaw sa mga paaralan, gusto ni Zhang na maghatid ng inspirational talk sa mga estudyante.
Mamimigay rin siya ng mga libreng notebook, ballpen, sabon, at toothpaste.
Pinaplano ng FFCCCII na magkaroon si Zhang ng meet-and-greet sa mga mall para mabigyan ng pagkakataon ang Pinoy fans na makita siya nang personal.
Sasamahan si Zhang ni China Ambassador to the Philippines Jing Quan at ng mga opisyal ng FFCCCII sa kanyang mga school visit.
Nakatakdang dumating si Zhang sa Pilipinas sa Hunyo 8, at kabilang ang Intramuros sa mga pupuntahan niya sa kanyang unang araw sa Pilipinas.
Magaganap sa Hunyo 9 ang media conference para kay Zhang.
Susundan ito ng panayam sa kanya ni Jessica Soho at guesting sa Fast Talk With Boy Abunda.
Read: Jojo Bragais explains why he refused to give low scores at MGI All Stars
ZHANG YINFEI VISIT TO THE PHILIPPINES
Ang Kamuning Bakery owner na si Wilson Flores ang tagapagsalita ng FFCCCII tungkol sa mga aktibidad ni Zhang habang nasa Pilipinas ito.
Si Wilson ang nagbalita na Abril 2026 ang orihinal na planong pagdalaw ni Zhang sa bansa, pero hindi ito natuloy.
Kuwento niya: “Noong April, after Holy Week, ang dapat na pagbisita ni Linda sa Pilipinas pero nagkaroon ng giyera sa Iraq at nagkaroon tayo ng National Energy Emergency.
“Na-postpone for June ang pagdating ni Linda sa Pilipinas dahil sa mga krisis.
“Marunong si Linda na magsalita ng English, pero bibigyan pa rin namin siya ng interpreter.
“She’s from Beijing at Mandarin ang salita niya. Sa mga artista natin, sina Rocco Nacino at Gwen Zamora ang magagaling magsalita ng Mandarin.
“Marunong si Rocco ng Mandarin dahil lumaki at nag-aral siya sa Singapore.
“Si Gwen naman, matagal na nagtrabaho as French chef sa isang five -star hotel sa Beijing ang kanyang ama.
“We hope makatulong ang pagbisita ni Linda para mag-improve ang image ng Pilipinas, hindi puro gulo sa pulitika.
“Gusto ng FFCCCII na iangat ang tourism industry ng Pilipinas dahil marami ang magagandang lugar at maganda ang shopping experience sa bansa natin.
NOOD KA MUNA!
“Ang mga Chinese ang number one market for tourism in the world today. Ang China ang number one biggest source of tourist.”
Read: MGI All Stars First Edition winner is Vanessa Pulgarin of Colombia
