Nagbigay ng bagong update sa kanyang love life si former Pinoy Big Brother housemate Lie Reposposa sa kanyang followers.
Ito ay isang buwan makalipas ang viral na breakup daw nila ng fiancé na si Paul Joshua Marsden noong bandang katapusan ng April 2026.
Ngayon, mukhang walang naging problema ang kanilang relasyon.
Sa bagong update ni Lie kagabi, June 1, ipinakita niya ang trip nila ni Paul sa Boracay.
Sinundan niya ito ng mga larawan nila habang nasa lobby ng hotel na kanilang tinutuluyan sa Boracay.
Ayon kay Lie, mahirap daw buhay ngunit mabuti na lamang daw at meron siyang guwapong “bebeluvs.”
Aniya, “Life is hard, but at least I have a handsome bebeluvs
“#IkawLangSapatNa #thankyouLord”
Read: Atasha Muhlach, Jacob Ang spotted getting cozy at a wedding
THE “PRANK BREAKUP” of lie and joshua
Noong nakaraang April 28, walang paliguy-ligoy na inanunsiyo ni Paul ang diumano’y hiwalayan nila ni Lie.
Sa kanyang Facebook post, sinabi niyang tinuldukan na nila ang kanilang pagsasama kahit itinuring niya ang nobya raw ay nagsilbi niyang “peace and safe place.”
Kahit naging maganda naman daw ang kanilang pagsasama, lahat ng kuwento ay may katapusan.
Buong post ni Paul: “Thank you for being my peace and my safe place.
“You helped me stand up when I was down.
“But every story has an ending, and ours ends here.
“Thank you for the memories, they will stay forever.”
Read: Lie Reposposa and fiancé Paul Joshua Marsden break up
Maraming nalungkot na followers ng pag-iibigan nila ang naghayag ng kanilang damdamin sa noo’y hiwalayan.
Pero makalipas lamang ang isang araw, noong April 29, binati ni Lie si Paul sa kanyang kaarawan
Hindi man ganun ka-sweet ang mensahe ni Lie kay Paul, nabuhayan naman ng loob ang ilang netizens dahil sa kanyang birthday greeting.
NOOD KA MUNA!
Sabi lang ni Lie noon, “Happy Birthday to you. Have a special day.”
Read: Netizens react to Lie Reposposa’s birthday greeting to ex-fiancé
At noong May 1, tila wala talagang nangyari at nasagot ang mga duda ng netizens na “prank breakup” lamang ang nangyari.
Parang inihabol lamang daw ito ni Paul sa April Fool’s Day na ginugunita tuwing April 1.
Sa bagong post ni Paul, sinabi niya sa caption, “april ended, we didn’t”
Read: Lie Reposposa-Paul Joshua Marsden split, a prank?
