Gazini, Imelda speak out on MGI All Stars expenses

Napatunayang malaking halaga ng pera ang kailangan para magkaroon ng puwesto at manalo sa inaugural edition ng Miss Grand International (MGI) All Stars na naganap noong Mayo 30, 2026 sa…

Gazini, Imelda speak out on MGI All Stars expenses

Napatunayang malaking halaga ng pera ang kailangan para magkaroon ng puwesto at manalo sa inaugural edition ng Miss Grand International (MGI) All Stars na naganap noong Mayo 30, 2026 sa Bangkok, Thailand.

Ito ay base sa mga pahayag nina Gazini Ganados, Imelda Schweighart, at Jonas Gaffud, ang CEO ng Miss Universe Philippines Organization.

Sina Gazini at Imelda ang dalawa sa limang Pinay candidates sa 1st MGI All Stars.

Ang tatlo pang kandidata ng Pilipinas ay sina Fuschia Anne Ravena, Alexia Nuñez, at Keylyn Trajano.

IMELDA SCHWEIGHART

Naglabas ng sentimyento si Imelda Schweighart tungkol sa voting system ng international beauty pageant na sinalihan niya.

Naglitanya si Imelda sa pamamagitan ng live streaming sa mismong araw ng grand coronation ng Miss Grand International All Stars.

Hindi nakapasok sa semifinals si Imelda.

Himutok niya: “Kung alam ko lang na voting ang eksena, e, di sana hindi na ako sumali.

“E, hindi rin namin alam. Ngayon lang sinabi ang lahat.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“So, kung alam ko yan, umpisa pa lang, hindi na ako nag-invest kasi malaki na agad ang gastos just to get here.

“So, with the voting in itself, like, suntok sa buwan. Ilagay ninyo ang sarili ninyo sa posisyon ko.

“Lilipad ka ng Thailand, gastos mo pa. Magla-licensing fee ka tapos magpapalipad ka ng maraming team para sa makeup, hair, and video mo, gastos mo rin.

“Siyempre kukunan mo rin sila ng accommodation tapos may suweldo sila.

“Tapos may mga photo shoot ka, gastos mo rin. And then everything else, gastos mo.”

Dagdag pa ni Imelda: “Tapos magbabayad ka pa ng votes?

“Dapat nasa Pilipino na yon. Wala na sa kamay ng kandidata yon.

“Ginawa na namin yung part namin, e, kayo naman.

“Isa-isa kayong mag-vote kasi ano lang ba naman yung PHP60 kung isa-isa kayong mag-vote?

“Hindi na fair kung kandidata pa ang gagastos sa votes.

“Hindi naman ako si Alexia na sobrang ang daming pera na talagang parang meron siyang money machine.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nakapasok si Alexia sa semi-finals kahit gumastos siya ng malaking halaga ng pera.

Si Nawat Itsaragrisil, ang founder at presidente ng Miss Grand International Organization, ang tunay na nagwagi dahil bilang organizer ng MGI All Stars, siya ang kumita ng limpak-limpak na salapi mula sa mga botong nagkakahalaga ng US$1 ang bawat isa.

Read: Jojo Bragais reveals his judging philosophy at MGI All Stars

GAZINI GANADOS

Umabot hanggang Top 5 si Gazini Ganados.

Ano ang payo niya base sa kanyang karanasan para sa mga nagnanais lumahok sa ikalawang edition MGI All Stars?

“Maghanda ka ng pera, yun na yon. From the heart talaga yon,” mabilis na reaksiyon ng Pinay beauty queen sa isang panayam.

Dagdag pa niya: “Maghanda ka ng pera kasi hindi madali, not only physically, mentally, spiritually, and also financially!”

Read: MGI All Stars First Edition winner is Colombia’s Vanessa Pulgarin

JONAS GAFFUD

Lumipad si Jonas Gaffud sa Thailand para suportahan si Gazini sa MGI All Stars.

CONTINUE READING BELOW ↓


NOOD KA MUNA!

Marami ang nagsabing malaki ang tsansa at karapat-dapat manalo si Gazini, pero hindi ito nangyari dahil gumastos nang matindi sa pagbili ng boto ang kanyang mga kalaban.

Isang araw matapos ang gabi ng koronasyon ng 1st MGI All Stars, sinabi ni Jonas na milyon ang ginastos ng mga kalaban ni Gazini kaya hindi umubra ang kanyang credit card.

Social media post ni Jason: “So proud of the woman you have become @gazinii. Since @ianlorenz is not here in Bangkok, balik last minute training uli ako.

“Our hearts are full. I was so happy with your performances but we were never complacent. In every round we were there near the payment area for the votes. Hello si credit card.

“We wanted to be safe. When we saw you’re in the Top 3 from the judges scores, pinatakbo ko uli si @gemorpilla @marvc143, kaskas nyo lang yan.

“We allotted 100k per round. I thought the last was enough to get you in. Kaso milyon ang kalaban hahahaha. Last night was nerve-wracking, yet super exciting! Seeing you onstage, entering the Top 5 was the dream we wanted since 2019.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Thank you for taking this challenge. Love you always.”

Read: FULL TRANSCRIPT: MGI All Stars winning answer

View this post on Instagram

A post shared by Jonas Antonio Gaffud (@jonasempire.ph)