Nagkaroon ng problema ang organizers ng Santacruzan sa isang bayan dahil tumangging maglakad ang entertainment personality na kanilang inimbitahan.
Natensiyon ang mga namamahala sa Santacruzan dahil hindi sila nakapaghanda ng karosang puwedeng sakyan ng entertainment personality dahil hindi naman nila inaasahang ayaw niyang maglakad.
Nalutas lamang ang problema nang magkaroon ng kompromiso ang magkabilang panig.
Humingi ng karagdagang talent fee ang kasama ng entertainment personality para makumbinsi itong maglakad.
Napilitan ang mga organizer na ibigay ang demand ng kasama ng entertainment personality para hindi na maantala ang okasyon dahil marami na ang naghihintay mag-umpisa ang Santacruzan.
Mabilis na kumalat ang balitang ang entertainment personality ang “cause of delay” kaya nadismaya ang mga naghintay sa pagdating niya para makita siya nang personal.
Read: Robin Padilla faces backlash over “force majeure” argument
LESSONS LEARNED
May aral na mapupulot sa insidenteng nangyari.
Bago kinuha ng mga organizer ang serbisyo ng entertainment personality, dapat nilinaw nila sa kanilang pinirmahang kasunduan na walang karosa na gagamitin at talagang naglalakad ang mga kalahok sa Santacruzan dahil ito ang nakagisnang tradisyon.
Para sa transparency, importanteng ipinaalam at sinabi sa entertainment personality ang paghingi ng karagdagang bayad ng kanyang kasama para mapapayag siyang maglakad dahil maaring lingid nga ito sa kaalaman niya.
Puwedeng hindi alam ng entertainment personality ang naganap na negosasyon pero siya ang sinisisi at negatibo sa paningin ng mga tao.
Pero kung ang entertainment personality ang nag-demand na dagdagan ang talent fee niya para makumbinsi siyang maglakad, may dahilan ang mga event organizer ng Santacruzan at ang taumbayan na madismaya sa kanyang ipinamalas na pag-uugali.
Read: Did Ashley Ortega just confirm Kathryn-Mark relationship?
