Sa gitna ng mga kaguluhang nangyari sa Senado noong nakaraang linggo, napagdiskitahan ng ilang netizens ang mga Barong Tagalog na suot ng bagong Senate President na si Alan Peter Cayetano.
Ginawan ng memes at katatawanan ng ilan ang suot na barong ni Cayetano.
Kabilang si Miss International 1970 Aurora Pijuan sa nagbahagi ng larawan ng table cloth na katulad na katulad ang disenyo ng kasuotan ng senador.
Caption ni Aurora: “Now we know who stole this tablecloth between 2:30 am-3 am.”
Read: How Zyann Ambrosio’s footage helped shed light on senate incident
eddie mar cabiltes ON CAYETANO’S BARONG
Ang kakaibang atensiyon ng publiko sa damit ni Cayetano ang nag-udyok sa Cabinet Files para hanapin ang fashion designer ni Cayetano.
Pero walang fashion designer si Cayetano.
Lumitaw ang katotohanang ang makeup artist na si Eddie Mar Cabiltes, 52, ang bumibili ng mga telang proudly Filipino-made at siya ring tumatahi sa mga kontrobersiyal na kasuotan ng senador.
Si Cabiltes ang makeup artist ni Cayetano sa defunct TV show na Cayetano in Action With Boy Abunda.
Eksklusibong nakausap siya ng Cabinet Files ngayong Martes, Mayo 19, 2026.
“Yung red and blue na suot ni Sir Alan is a barong style na binakol ang tela na more relaxed at pang-masa.
“Siguro, masyado lang niya nadala nang maayos yung damit kaya nag-standout siya at na-bash.
“I only design for Sir Alan. Unique ang style at combination ng tela at siya lang ang may ganun,” paglalarawan ni Cabiltes sa suot na barong ng senador.
Ano ang reaksiyon ni Cabiltes sa mga bashing sa social media na natanggap ni Cayetano dahil sa mga damit na nilikha niya?
“Lahat ng mga tao, may opinion at may kanya-kanyang reaction.
“Sana lang, isipin nilang ginawa ng mga kamay ng Pilipino ang mga tela na yon, pawis at pagod ng isang manghahabi,” sagot ni Cabiltes.
NOOD KA MUNA!
Read: Robin Padilla dodges questions on role in Bato dela Rosa’s escape
ON SOURCING LOCAL MATERIALS
Malaki ang kinalaman ni Cabiltes sa mga damit na ginagamit ni Cayetano dahil siya ang naghahanap ng mga materyal na gawang Pilipino at tumatahi ng mga damit ng senador.
Lahad niya sa Cabinet Files: “Bumibili ako ng mga tela kapag may taping kami sa norte, sa ibang mga lugar sa Pilipinas o kapag may convention ang weavers.
“Yung mga isinusuot ni Sir Alan, nanggaling sa Leila’s Loom Weaving sa Abra, sa Miag-ao, Iloilo; abaca from Albay.
“Naniniwala kasi ako sa produkto ng mga Pilipino.
“If you would notice, it’s one of a kind dahil kapag naubos na ang stocks nila, wala nang mabibili. It takes time bago uli sila makapag-weave nang ganoong design.
“It’s about time din na kailangan nang mag-evolve ang thinking ng mga Pilipino na hindi lang naman barong ang puwedeng isuot ng mga lalaki sa mga special or formal occasion.
“Meron din kanterines, binakol, hablon, habi ng albay, Mindoro weaving, at beading of South Cotabato. Maraming klase ng tela na nakakagulat dahil meron pala sa Pilipinas.”
Saad pa ni Cabiltes: “I remember what Sir Alan told me na mas gusto niyang isuot ang mga local design to support Filipino weavers kaya dun ako nag-start na maghanap ng mga tela.
“At na-realize ko na puwedeng-puwedeng makipagsabayan sa international market ang Filipino weavers.”
Read: How international media reported gunfire chaos at Senate
FROM MAKEUP ARTIST TO PERSONAL “FASHION DESIGNER”
Nag-umpisa raw si Cabiltes na stylist ni Cayetano nang kunin ang kanyang serbisyo bilang makeup artist ng senador para sa Cayetano in Action with Boy Abunda, ang programang dating napapanood sa GMA-7.
Lahad niya: “That time kasi walang stylist si Sir Alan, at I believe na important ang styling so nagdala ako ng damit na parang thank you ko sa kanya dahil kinuha niya ako to groom him sa show.
“Nakita ni Sir Alan na may eye ako sa style so sinabi niya na lahat ng dadalhin ko, kukunin na lang niya.”
Kalaunan ay nadiskubre na personal creations niya ang mga pinapasuot sa senador.
“Hindi nila alam na ako mismo ang tumatahi ng damit. Nagustuhan niya ang style ko at ang paggamit ko ng Filipino textile.
“Since then, ako na ang nagdadala ng mga damit na ginagamit niya sa show. Sometimes, nagpapatahi siya sa akin ng pang-everyday polo na Filipino fabric.
“Marami ang nakapansin sa mga isinusuot ni Sir Alan dahil unique. Marami ang nagko-compliment sa kanya.”
Read: Mayor Vico Sotto, celebrities react to Senate gunfire incident
eddie mar cabiltes: INTERNATIONAL MAKEUP ARTIST
Labintatlong (13) taon nang makeup artist si Eddie Mar Cabiltes.
“International makeup artist” ang tawag kay Cabiltes dahil kabilang sa mga naging kliyente niya si former US President Barack Obama; Hollywood actors na sina Ian Somerhalder, Gabriel Macht, at Zac Efron; at ang Thai actor na si Mario Maurer.
Bago naging makeup artist, iba ang field of career ni Cabiltes.
Nagtapos siya ng kursong Aeronautical Engineering.
Nagtrabaho siyang senior operational control engineering sa Kuwait Airport, pero bumalik siya sa Pilipinas nang magretiro.
Lahad ni Cabiltes: “It’s a blessing in disguise kasi while waiting for my job offer sa Cebu Pacific, a friend of mine, Teddy Manuel, told me na mag-aral ako makeup.
“I was discovered by L’Oréal Philippines and offered me a position.
“And dun nag-start ang career ko as makeup artist sa fashion industry para sa magazine, billboard, at print ads.
“Nag-aral ako sa Japan for nine months, sa Nagoya International Beauty and Cosmetology Academy.
“Fun yung schooling because from different cultures ang mga kasama ko.
“Hands-on ang teaching at they are more in skin prep and how the makeup would be natural. Most of the brand they are using is Japanese na pang- Asian skin.
“We’re only twelve sa klase at different nationalities.
“Karamihan sa model is monolid so parang na-master ko na ang walang talukap ang mata na makeup.”
Bakas sa pagkukuwento ni Cabiltes na nae-enjoy niya ang kanyang trabaho.
Pagpapatuloy niya: “Most of my clients are foreigners ang businessmen. I cannot name them dahil confidential.
“Challenging ang work ko because minsan nakakalimutan ko na ang araw.
“Like for example, may client ako sa Hong Kong, then the following day sa Cavite. Kaya importante sa akin ang calendar.”
Read: Pro-Duterte senators oust Senate President Sotto; Bato surfaces
