Ilang buwan nang usap-usapan sa social media ang sightings kay Catriona Gray kasama ng ilang kaibigan.
Pero, may nakapansing may katabi lagi ang Miss Universe 2018 na si Catriona na isang banyagang guwapong lalaki.
Sa isang pagkakataon nitong March 2026, spotted na magkasama sina Catriona at ang nasabing lalaki habang kumakain.
Gayundin sa isa pang sighting kung saan marami silang kasama sa mesa habang kumakain pa din.
Magkatabi pa rin si Catriona at ang nasabing lalaki.
Sa social media site na Reddit, direktang tinukoy ng netizens na ang kasamang lalaki ni Catriona ay hinihinalang bagong nobyo niya.
Pinangalanan din ang lalaki na si Douglas Charles, o Douglas Nichols sa kanyang social media accounts.
Sa Instagram, mapapansing naka-follow sa account niya si Catriona.
NOOD KA MUNA!
Pero walang kumpirmasyon kung magkarelasyon nga ba sila noong mystery guy.
Read: Ogie reveals Regine underwent voice treatment ahead of concert
CATRIONA GRAY: “I’m happy. I’m doing well.”
Sa fashion show ng designer na si Haydee Garcia na may pamagat na “Petals and Poetry”, kung saan ipinakita ang kanyang mga luxury ready-to-wear collection, si Catriona ang highlight ng finale.
Paglalarawan ni Catriona sa sinuot niyang creation ni Haydee, “I feel very beautiful in this piece by Haydee Garcia and it was a beautiful collection.
“Very me when I think about it kasi I really gravitate towards feminine, romantic silhouettes.
“I consider myself a girly girl, I love bows, I love sparkles. So this collection was very me.”
At dahil nga blooming siya, direkta na siyang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kamusta na siya.
Saad namin, “How are you, Cat? How is your personal life? Love life?”
Nakangiting sagot ng beauty queen, “Love life is for me lang. Yeah, I’m happy. I’m doing well.”
Dagdag pa namin, “At meron ka na raw bagong boyfriend?”
Maiksing sagot niya, “And I’m happy.”
Usisa pa namin, “Douglas Charles?”
Sabi lang niya, “That’s all I’m gonna say.”
Hindi sinabi ni Catriona na may katotohanan ang nasabing balita o netizens lamang ang nag-uugnay sa kanila noong mystery guy.
Ang huling nakarelasyon ni Catriona ay ang aktor na si Sam Milby kung saan na-kansel ang kanilang engagement matapos ang biglaan nilang hiwalayan.
Read: Catriona Gray breaks silence on canceled engagement to Sam Milby
Samantala, mabibili ang mga bagong collection ng fashion designer na si Haydee sa Syudio Haydee Garcia sa Proscenium at Rockwell.
Read: KC Concepcion preparing for comeback, wants to regain screen look
