Andre Cue focused on acting career after video scandal

JERRY OLEA Gumanap sina Ron Angeles at Andre Cue bilang mga boylet ni Sylvia (Pinky Amador) sa Kapuso afternoon drama series na Apoy Sa Dugo. Nang makapanayam ng PEP Troika…

Andre Cue focused on acting career after video scandal

JERRY OLEA

Gumanap sina Ron Angeles at Andre Cue bilang mga boylet ni Sylvia (Pinky Amador) sa Kapuso afternoon drama series na Apoy Sa Dugo.

Nang makapanayam ng PEP Troika si Ron sa media launch ng White Party Manila: Reignite noong Mayo 9, 2026 sa Bigger Pictures Studio, Mandaluyong City, nilinaw niyang first time nilang magkausap ni Andre ay nang sabay silang mag-guest sa Fast Talk With Boy Abunda.

Kinumpirma iyon ni Andre nang makatsikahan namin noong Hunyo 1, Lunes ng hapon, sa VIP Cinema ng Fisher Mall, Quezon Avenue, Quezon City, matapos ang pa-block screening ni Bernard Cloma para sa pelikulang Tayo Sa Wakas.

Kumusta ang pag-uusap nila ni Ron?

“OK naman po. Mas nalaman ko po yung side ni Ron,” matipid na tugon ni Andre.

Kumusta ang pakikipagtrabaho kay Pinky? Na-intimidate ba siya?

“At first po, parang pressure po talaga. Pero nung nandoon na po ako, parang mas namo-motivate po ako na galingan,” sey ni Andre.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Very welcome daw yung mga nasa set ng Apoy Sa Dugo at hindi siya biniru-biro kaugnay sa kinasangkutang video scandal.

Read: Ron Angeles says he has moved on from controversial video scandal

ANDRE CUE ON BOXING AND ACTING

Nasabi sa amin noon ni Bernard na gusto ni Andre maging boksingero.

Plano pa rin naman daw ng binata na lumaban sa boxing tournament.

Tuloy pa rin siya sa pag-aartista.

Natapos na niya ang shooting ng pelikulang Kappa-Tiran with Ejay Falcon and Aljur Abrenica, na idinirek ni Neal “Buboy” Tan para sa Mamay Productions.

First movie iyon ni Andre, at masaya siyanang gawa iyon.

“OK naman po kasi tinutulungan talaga nila ako. Na alam nila na parang bago pa po ako sa industry,” sabi niya.

Nag-aaral si Andre sa Xavier University-Ateneo de Cagayan sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.

Third year na siya sa kursong International Studies.

“Right now po, gusto ko ring mag-business. Plano pa lang po,” sambit ni Andre, na NGSB (no girlfriend since birth) daw.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw siya natatakot sa mga girls na maraming tattoo.

Read: Andre Cue, umamin sa kinasasangkutang video scandal

NOEL FERRER

Sa Hunyo 9, Martes, ay 23 years old na si Andre Cue.

Ang kanyang birthday wish: “Sana, bigyan ng good health yung parents ko. At sana, safe lang kami parati.”

Ang ina ni Andre ay si Mags Cue, vice-president for Global and National Search ng Miss Universe Philippines.

Sa exclusive interview ni Bobby Requintina kay Mags noong Abril 9 sa isang mall sa Parañaque City, sinabi nitong sobrang OK raw ang pag-leak ng video scandal ng kanyang anak.

Pahayag ni Mags, walang problema. Nagdatingan ang offers kay Andre dahil sa isyu.

Last year pa raw umamin sa kanya si Andre.

Ano ang reaksiyon ni Andre sa magandang sinabi ng kanyang ina tungkol sa kinasangkutan niyang eskandalo?

Sabi ni Andre, “Happy naman po ako sa mga sagot niya na sinu-support niya ako.”

CONTINUE READING BELOW ↓


NOOD KA MUNA!

Read: Andre Cue, kinutuban sa lion sticker kaugnay ng video scandal

GORGY RULA

Pebrero 28, 2026 inilunsad online ang video scandals ng “The Big Four” na sina Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko Natividad, at Arron Villaflor.

Afterwards ay kumalat din ang intimate videos nina Nico Locco, Andre Cue, Jayden Fernandez, at iba pa.

Tatlong buwan na mula nang kumalat ang mga eskandalosong video, at sabi-sabi ay marami pang kasunod ang mga iyon.

Read: Alleged video scandal ng “The Big Four” kumakalat

Sa Hunyo 5, Biyernes, ay streaming na sa VMX ang pelikulang Scandal Queen, sa direksiyon ni Topel Lee.

Ang logline ng Scandal Queen: “Inspired by true events, Karen Lopez and Nico Locco star in an erotic thriller about Mara, a woman who seduces celebrities and influencers to secretly film and blackmail them for money.

“But when love enters the picture, her dangerous scheme begins to fall apart.”

Nasa cast din nito sina Rhian Rivera, Dimple Rubia, at Andy Raymundo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Panonoorin kaya nina Ron, Gil, Nikko, Arron, Jayden, at Andre itong Scandal Queen?